Ang Embahada ng bansang Hapon sa Pilipinas ay tumatanggap na ng aplikasyon para sa mga iskolar sa mga Pinoy na nag-nanais na makapag- aral sa Japan.
Ang programa ng embahada para sa taong 2020 ay mag- alok ng tulong para mga mag kokolehiyo at mga nagtapos na ng kolehiyo na gustong kumuha ng kurso sa humanities, technology, at marami pang iba.
Ang mga nagtapos ng high school na nasa edad na 17- 24 taong gulang ay maaaring mag aplay sa 3 Japanese government’s education programs; Undergraduate, Specialized Training College, at College of Technology scholarships.
Ang pangunahing requirement ay may background sa Nihongo at mataas na marka sa English, Math and Science.
Aabot sa 3 hanggang 5 taon ng pag- aaral ang mga kursong Mechanical Engineering, Electrical and Electronic Engineering, Information Communication and Network Engineering, Materials Engineering, Architecture and Civil Engineering, Maritime Engineering, Technology, Personal Care and Nutrition, Education and Welfare, Business, Fashion and Home Economics, Culture and General Education, Social Sciences, Humanities, and Natural Sciences.
Samantala, ang mga nagtapos na mayroong malinaw at posibleng panukala sa pamamagitan ng pananaliksik at may magandang academic record na hindi hihigit sa 35 taong gulang ay maaaring mag apply sa Embassy’s “Research Student, Master’s or Doctoral Course” category.
Ang application form at detalyadong impormasyon sa pre-requisites ay makikita sa JICC Library o mag download sa Embassy Website: (http://www.ph.emb-japan.go.jp/itpr_en/00_000193.html ).
Ang deadline para sa submission ng mga application ay sa Mayo 31, 2019, Biyernes.
Pinapaalala ng Embahada na maaari lamang tanggapin ang mga dokumento na naka print sa A4- size na papel at ipinadala sa Courier o kaya ihatid ng personal sa Embassy.
Sa mga interesado, maaari rin na dumalo sa libreng konsultasyon ng JICC Library tuwing Biyernes magmula als 9:00am 12:30pm at 2:00pm hanggang 4:00pm. (PNA)
Source and Image: Philippine News Agency
Join the Conversation