Babaeng taga-Tokyo, inaresto dahil sa pag-iwan ng bagong silang na sanggol sa toilet ng convenience store.

Dahil wala raw kakayahang mag-palaki ng bata ng mag-isa, isang babae ang nag-iwan nang kanyang sanggol sa loob ng toilet ng isang Convenience Store.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inaresto ng Saitama Prefectural Police nuong Lunes ang isang 24 anyos na babae dahil sa pag-abandona umano nito sa kanyang bagong silang na sanggol sa loob ng toilet ng isang convenience store sa Niiza City nitong panimula ng taon, mula sa ulat ng NHK

Nuong ika-24 ng Enero, si Yuria Moriizumi, walang trabaho ay nanganak umano ng isang babaeng sanggol sa loob ng toilet ng 7-11 outlet sa Owada Area at iniwan ang sanggol sa loob ng toilet bowl.

Isang bagong silang na sanggol ang natagpuan sa loob ng toilet bowl sa toilet ng isang convenience store sa Niiza Area. (Twitter)

“Hindi ko ipina-alam ang akjng pag-bubuntis sa aking magulang.” ani ng suspek sa mga pulis. “Naisip ko na wala akong kakayahan na palakihin ng ng mag-isa ang bata.”

Matapos madiskubre ng isang kostumer ang sanggol, agad na dumating ang mga emergency personnel at kinuha ang sanggol. Ayon sa mga awtoridad, nasa mabuting kalagayan na ang bata sa kasalukuyan.

Bago pa nangyari ang insidente, si Moriizumi na residente ng Akishima  City, atokyo ay kasama ang ibang miyembro ng kanyang pamilya na bumabyahe ng naka-sasakyan. Matapos mag-reklamo sa pananakit ng tiyan, sila ay huminto sa isang convenience store.

Nang siya ay bumalik sa sasakyan matapos mag-silang ng bata, namantsahan niya ng dugo ang upuan ng kotse. Nalaman lamang ang katotohanan na siya ay nanganak nang siya ay dinala na sa ospital.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund