TOKYO
Sa isang Shinto wedding ng Japan, ang karamihan sa mga mata ay nakatuon sa mga magandang dekorasyon ng seremonya at sa napakagandang tradisyonal na damit na isinusuot ng mga naga-aatend.
Ngunit ayon sa Twitter account na Kamakura By The Sea, ay may isa na higit na naka-agaw ng pansin kaysa sa seremonya, sa bride at sa mga bisita.
Ang nakaka-aliw na aso na naka-suot ng napakagandang kimono at magalang na nakaupo ay naging isa sa mga star of the show.
Hindi ba alam niya na kapag dadalo sa kahit saang kasalan ay hindi dapat sapawan o mas bonga ang suot keysa sa bride?
Sa kabutihang-palad wala namang nagalit dahil sa cuteness ng asong ito at sino ba naman ang magagalit dahil nag effort talaga siya na magbihis sa okasyon.
Ang Twitter account ay pinamamahalaan ng innkeepers ng By The Sea Kamakura, isang panuluyan sa seaside town Kamakura sa labas lamang ng Tokyo.
Source: Japan Today
Join the Conversation