Si Emperor Akihito at Empress Michiko ay dumalaw sa Ise Jingu- Shinto Shrine sa Central Japan noong Huwebes upang opisyal na ipaalam sa mga yumaong ninuno ang pagbaba sa trono ng 85 taon gulang na Emperor sa darating na Abril 30, 2019.
Pumunta ang Emperor at ang Empress sa Mie Prefecture at magtatagal doon ng 3 araw. Ito na ang huli nilang opisyal na pagbisita sa naturang lugar.
Nakasuot ng tradisyunal na itim na damit ang Emperor habang puti naman ang sa Empress, ng isinagawa ang “Shinetsu no Gi” sa Ise Jingu- Shinto Shrine, isa sa mga ritwal na ginaganap sa tuwing magpapalit ng Emperor ang Japan.
Ang anak ng Emperor na si Sayako Kuroda, na tumalikod sa tradisyon ng kanilang lahi noong ikinasal siya sa isang negosyante noong taong 2005, ay lumahok din bilang isang pangunahing kinatawan, ang mga naturang kaganapan ay naisabay sa kanyang ika- 50 kaarawan.
Para sa okasyon, dinala ng Emperor ang espada at mga alahas. Ito ay 2 sa 3 mga mahalagang banal na gamit sa pagsaling- trono. Ang ikatlo ay isang salamin na mananatili sa Ise Jingu- Shinto Shrine at ang kaparehas nito ay nasa sanktwaryo ng Imperial Palace sa Tokyo.
Ang katana niyang dala ay isa ring kopya. Ang tunay na katana ay nasa Atsuta Shrine sa Aichi Prefecture, east of Mie.
Ang sagisag na “Sanshu no Jingi,” ay ipapasa kay Crown Prince Naruhito, 59 taon gulang, kapag upo niya sa trono bilang bagong Emperor sa Mayo 1, 2019.
Ang Emperor at ang Empress ay huling bumisita sa Ise Jingu noong Marso 2014 at ito ay ika-limang pag-bisita mula ng siya ay hinirang na Emperor noong Enero taong 1989 matapos pumanaw ni Emperor Hirohito o mas kilala bilang “Emperor Showa”.
Sa darating na Martes, ang mag- asawa ay naka-takdang bumisita sa libingan ni Emperor Hirohito sa Musashino Mausoleum sa Tokyo at dumalo pa sa ibat- ibang mga opisyal na kaganapan hanggang sa katapusan ng buwan. Ang huling talumpati ni Emperor Akihito bilang Emperor ay sa ika-30 ng Abril.
Noong 2016, nag-pahayag ang Emperor ng pag-baba sa trono sa dahilan na baka hindi na niya magampanan ang kanyang mga tungkulin bilang isang Emperor dahil sa kanyang katandaan.
At nuong sumunod na taon, isina-batas ng pamunuan ng Japan ang panukala na pinahihintulutan ang Emperor na bumaba at ipasa ang kanyang trono– siya ang kauna-unahang Emperor na gumawa nito sa loob ng 200 na taon.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation