Sa Tokyo, isang 3 taong gulang na batang babae ang binawian ng buhay sa ospital na pinag-dalhan sa kanya nuong ika-21 ng Abril, ito ay matapos biglang sumilab sa apoy ang stroller nito sa isang kainan sa sa sentro ng Bunkyo Ward habang ang kanyang ina ay nag-aaral mag-luto rito.
Nag-tamo ng sunog sa ulo, braso at iba pang parte ng katawan si Kiori Wako ng Arakawa Ward nuong ika-20 ng Abril. Ang ina ni Kiori na nasa 40’s ang edad at ang kakilala nitong nasa 30’s ang edad na sumubok iligtas ang bata ay nag-tamo rin ng minor burns.
Ayon sa Motofuji Police Station ng Metropolitan Police Department, walang apoy na ginamit sa cooking class. Ang bata ay may kapansanan at pina-niniwalaan ng police na may posibilidad na ang oxygen na naka-lagay sa stroller ng bata upang ito ay maka-hinga ng maayos ang naging sanhi ng sunog.
Source: The Mainichi
Image: Hunker
Join the Conversation