Survey ng mga banyagang kabataan na hindi pumapasok sa eskwela, isasa-gawa ng Ministeryo ng Edukasyon

Nais aksyonan ng ministeryo ng edukasyon sa Japan kung paano maka-papasok sa paaralan ang mga batang banyaga na naninirahan sa bansa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Elementary students sa Japan.

Nais malaman ng Ministeryo ng Edukasyon ng Japan kung ilang banyagang kabataan na naka-tira sa Japan ang hindi puma-pasok sa paaralan.

Ang edukasyon mula Elementarya hanggang Junior High School ay compulsory para sa mga Japanese Nationals, ngunit optional para sa mga banyagang kabataan.

Ayon sa opisyal ng ministeryo, nasa mahigit 84,700 ang mga banyagang kabataan na naka-enroll sa primary at junior high school sa Japan nitong Mayo taong 2018. Subalit hindi raw nila alam kung ilang banyagang kabataan na naninirahan sa bansa ang hindi naka-enroll o nag-aaral sa paaralan.

Makikipag-tulungan ang gobyerno sa lokal na awtoridad upang malaman at matukoy kung paano matutulungan ang mga bata na maka-pasok sa mga paaralan. Nais nilang simulan ang survey bandang Hunyo nitong taon.

Source: NHK World

Image: Image Bank

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund