Sinabi ng sources ng Japanese government nuong Huwebes na ang unang round ng skill tests para sa bagong working visa system ay gagawin sa Pilipinas at sa Japan.
Sa Abril ay ipakikilala na ng Japan ang sistema upang mapa-rami ang dayuhang mang-gagawa na mayroong kakayahan sa 14 domestic industries na dumaranas ng kakulangan sa mang-gagawa.
Ayon sa mga sources, ang initial round test para sa “Specified Skill type 1” visa ay gaganapin sa Manila sa April 13 at 14. Ito ay para sa mga aplikateng nais mag-trabaho sa Nursing Care Industry, dahil isa ito sa mga dumaranas ng kakulangan sa trabahante. Ang kakayahan din sa Japanese words na ginagamit sa serbisyo ay susuriin din sa araw na ito.
Ang nasabing industriya ay aasahang tatanggap ng mahigit 60,000 dayuhang mang-gagawa sa loob ng 5 taon, alinsunod sa bagong visa system.
Ayon sa isang source, ang skill test para sa mga nais mag-trabaho sa Foood Service industry ay gaganapin sa Tokyo at Osaka sa April 25. At para sa mga nais mag-trabaho sa Hotel Services, ang skill test ay gaganapin sa April 14, sa Sapporo, Tokyo, Fukuoka at 4 pang lungsod sa bansa.
Source: Nippon.com
Image: Image Bank
Join the Conversation