Patok sa social media ang English announcement ng mga konduktor ng Shinkansen Trains.

Malaking tulong ang mag lagay ng mga English translations sa mga pampublikong sakayan upang mas maraming banyagang turista ang mahikayat na bumisita sa Japan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Naging papular sa Social Media ang English announcement ng konduktor sa Tokaido Shinkansen bullet trains dahil sa kanilang accent.

&nbspPatok sa social media ang English announcement ng mga konduktor ng Shinkansen Trains.
Ipinapa-kita ni Conductor Saki Takada ang pinag-aaralang english textbook.

Nuong Disyembre, ipina-kilala ng Central Railway Co. ang mga naturang anunsyo sa halip na gamitin ang recorded na boses ng isang native english speaker na babae. Ito ay upang sanayin ang mga konduktor na gabayan ang tumataas na bilang ng mga banyagang bisita sa bansa. Naging usap-usapan din ito sa Social Media, may mga nag-sabi na “Parang wala namang pagkaka-iba.” At mayroon din nag-sabi na “Nauunawaan ko ngunit iba-iba rin ang pagkaka-intindi ng bawat indibidwal.”

Sina-sabi ng mga konduktor ang English announcement bago sumapit sa susunod na istasyon. Halimbawa, “Tayo ay susunod na hihinto sa Nagoya Station.” at “Ang pinto sa kaliwa ay mag-bubukas.”

Ayon sa 31 anyos na Briton na naka-rinig ng anunsyo, ito ay malinaw daw niyang naintindihan. Dinagdag pa nito na mas maraming dayuhang ang mag na-nais pumunta ng Japan kapag mayroong english translation ang mga public transportation ang bansa.

Ipinapag-tibay ng mga Railway Companies ang English Training para sa kanilang mga mang-gagawa. Si Saki Takada, 29 anyos na konduktor ay lumahok sa nasabing pag-sasabay at kanyang sinabi na “Gusto ko na pag-butihin ang aking kakayahan sa lengwaheng ingles upang mas maging komportable ang mga dayuhang pasahero na sumasakay sa Shinkansen Lines.”

Plano na rin ng West Japan Railway Co. na umpisahan ang kanilang English Announcement mula sa kanilang konduktor itong darating na ika-16 ng Marso, sa Sanyo at Hokuriku Shinkansen Lines.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund