Para mas mapatibay ang “plastic waste reduction”, magkaka-charge na ang plastic ng convenience store

Inaprubahan ng subcommittee ng National Central Environment Council ang "Plastic Resources Recycling Strategy", na kinabibilangan ng isang patakaran na nangangailangang maningil ng bayad para sa plastic bag sa mga retail store.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Lawson’s eco bag with a packed lunch box and plastic bottle

Inaprubahan ng subcommittee ng National Central Environment Council ang “Plastic Resources Recycling Strategy”, na kinabibilangan ng isang patakaran na nangangailangang maningil ng bayad para sa plastic bag sa mga retail store.

Ang layunin ay upang mabawasan ang disposable plastic emissions ng 25% sa taong 2030. Hanggang ngayon, ang mga convenience store ay nagtrabaho upang bawasan ang mga plastic bag, kabilang na ang pamamahagi ng mga eco bag, ngunit mahirap na maitatag ang mga ito. Mapapansin kung gaano ito ka-epektibo upang mabawasan ang mga plastic shopping bag.

Namimigay ang Lawson ng eco bags nang libre sa ilang mga tindahan mula noong Marso 2007 bilang isang panukalang-batas laban sa mga plastic bag. Sa kasalukuyan, mabibili ito sa in-store terminal na “Roppy”. Bilang resulta ng paglikha at pamamahagi ng iba pang mga kumpanya na sumang-ayon, ang kabuuang bilang ng mga distribusyon ay umabot sa humigit-kumulang 4.33 milyon.

Gayunpaman, ang paggamit ng mga plastic shopping bag ay mataas pa rin sa mga convenience store. Sa pangkalahatan, ang mga customer ay nagmamadaling pumasok sa tindahan at ang iba naman ay wala sa plano na pumunta sa conbini ngunit nagpasyang pumasok dahil may naisipang bilhin kaya’t bihirang mayroon silang dalang eco bag.

Ang Japan Franchise Chain Association, na kinabibilangan ng mga convenience store at mga serbisyo sa pagkain, ay inaamin na “ang singil para sa mga plastic shopping bag ay hindi maihahambing sa mga convenience store, ngunit hindi nito maaaring mabawasan ang pagkonsumo ng plastik.” Kasunod ng desisyon ng Sub-Committee, ang Seven-Eleven Japan “ay isinasaalang-alang na magpapabayad ng mga plastic bag ayon sa mga patakaran ng Japan Franchise Chain Association,” ang Lawson din “ay magpapatupad ayon sa batas kapag ito ay naging mandatory.

Sa kabilang dako, huminto ang Aeon sa pamimigay ng libreng plastic shopping bag sa pangkalahatang supermarket (GMS) sa buong bans, at ang mga supermarket (SM) ay naka save ng 60% ng konsumo ng plastic bag ng mga tindahan. Ang mga nalikom na na-save sa gastos mula sa mga binayaran na basura ay ibinibigay sa mga lokal na pamahalaan at ginagamit para sa mga negosyo na may kaugnayan sa kapaligiran at kalikasan.

Ang pagbabawas ng basura ay hindi sa mga plastic bag lamang, pati na din ang pagbawas ng mga bag at plastic container para sa pagkain at inumin.

Source: Yahoo News

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund