SAPPORO
Nagbabala ang pamahalaang Hapon sa mga kumpanya laban sa pag-dismiss o pag-target sa mga dayuhang trainees na buntis habang nagtatrabaho sa bansa. Sinabi ng mga opisyal noong Huwebes, na may ilang kababaihan na napilitan na isaalang-alang ang pagpapalaglag o bumalik sa kanilang mga bansa.
Sa maraming mga interns na nagpapahayag ng pag-aalala tungkol sa epekto ng pagbubuntis sa kanilang katayuan sa trabaho, sinabi ng gobyerno noong Lunes sa mga organisasyon na tumatanggap at nangangasiwa sa mga dayuhang trainees na sundin nito ang batas ng gender equality ng Japan kung ang mga kababaihan ay kinasal, nabuntis at nanganak.
Ang technical internship na inisponsor ng pamahalaan, na ipinakilala noong 1993 upang ilipat ang mga kasanayan sa mga umuunlad na bansa, ay nahaharap sa kritisismo galing sa ibang bansa at local na mga tao dahil sa mga pananaw na ginagamit ang program na ito bilang isang dahilan para sa mga kumpanya upang mag-import ng cheap labor.
Nitong nakaraang Nobyembre, isang babaeng Vietnamese na nasa kanyang edad na 20 ang dumating sa Japan upang magtraining sa isang pabrika ng papel sa kanlurang Japan, ay nagsumbong sa union na ang isang opisyal sa kanyang training center, isang subkontraktor na namamahala sa kanila, ay nagsabi sa kanya na “ipalaglag ang bata o umuwi nalang sa kanyang bansa”.
Ang babae ay nag-sign din ng isang kontrata sa isang kumpanya ng recruiting sa Vietnam na nagsasaad na siya ay masesesanta at babalik sa bansa kapag siya ay nabuntis, isang batas na ilegal sa Japan.
Noong Enero, isang Chinese trainee na nasa kanyang 20s ay naaresto dahil sa pag-abandona sa kanyang bagong panganak na sanggol sa isang residential area malapit sa Tokyo, dahil natatakot siya sa kanyang mga employer sa planta na baka siya ay pauwiin sa kanyang bansa.
“Ang kakulangan ng paghahanda sa paglikha ng sistema ay ang dahilan ng sapilitang pagpapalaglag at paguwi nila sa kanilang bansa. Ang problema na itoay mas lalong lalala lalo sa pagdami pa ng mga foreign workers na padating sa bansa,” sabi niya.
Si Shoichi Ibusuki, isang abogado na may kaalaman tungkol sa mga problema na nahaharap sa mga dayuhang trainees, ay nagsabi na ang katotohanan ay kailangang ipaalala ng gobyerno at ipagbigay-alam sa mga kasangkot na ito ay iligal na sapilitang padesisyunin ang mga interns.
Source: NHK WORLD
Join the Conversation