Muling na-ibalik sa lumang istura nito nuong 1914 ang JR Mojiko Station

Gusali ng JR Mojiko Station, muling ibinalik ang dating vintage look na disenyo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Sa Kitakyushu, Fukuoka Prefecture, kapag inilawan pag-sapit ng dilim, makikita ang isang lumang istraktura ng istasyon ng tren na mukhang isang daang taon na ang naka-lilipas.

Nuong ika-9 ng Marso, muling bumida ang JR Mojiko station building matapos makumpleto ang pagsasa-ayos nito upang maibalik ang maka-luma nitong disenyo. Agad naman itong binuksan sa publiko nuong sumunod na araw.

Ang inilawang JR Mojiko Station sa gabi.

Ang dalawang palapag na gusali ng istasyon ay itinayo nuong taong 1914. Ito ay itinalaga bilang isang Cultural Asset of National Importance.

Ang proyektong pag-kukumpuni at restoration ng naturang gusali ay sinimulan nuong taong 2012.

Bagaman nanatili ang istraktura ng framework nito, pinalitan naman at nilagyan ng bakal ang mga nasirahang haligi ng nasabing gusali.

Kabilang sa restoration work, ang pagka-kabit muli ng mga ornento sa bubong. Ito ay inalis nuong proseso ng pag-aayos ng gusali nuong mga naunang renovation work sa gusali. Aalisin rin ang mga alulod sa harap ng istasyon.

Ang interior sa loob ng mga VIP’s at katabing mga silid sa ikalawang palapag ng gusali ay inayos sa kanilang orihinal na itsura nuong panahon nang ito ay bisitahin ng dating Emperor na si Emperor Taisho (1879-1926) , ito ay lolo ng kasalukuyang Emperor na si Emperor Akihito.

Ang istasyon ay iilawan pag-sapit ng dilim hanggang hating gabi, araw-araw.

Source and Image: The Asahi Shimbun

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund