Ang temperatura ay tumaas sa Japan noong Miyerkules, na ang pinkamataas ay nasa 20 degrees Celsius sa central Tokyo sa unang pagkakataon ngayong taon.
Ang pinakamataas na temperatura ay 21.5 degrees sa central Tokyo at 20.8 sa timog-kanluran ng lungsod ng Nagasaki. Ang temperaturang ito ay karaniwan para sa Abril at Mayo.
Ang mga opisyal sa isang obserbatoryo sa Nagasaki ay nagsabi noong Miyerkules na ang mga puno ng sakura ay nagsimula ng mamukadkad sa lungsod. Iyon ang unang anunsyo ng simula ng taunang cherry blossom season sa Japan ngayong tagsibol.
Sa Yasukuni Shrine sa sentro ng Tokyo, ang mga opisyal mula sa Meteorological Agency ng Japan ay nakakakita ng apat lamang na bulaklak sa isang sample tree ng iba’t ibang Somei-yoshino noong Miyerkules. Ang figure na ito ay wala sa benchmark na lima o anim.
Sa Tokyo’s Ueno Park, isang sikat na lugar para sa mga cherry blossom tree, ang mga paghahanda ay ginagawa para sa isang event sa cherry blossom viewing o hanami na magsisimula sa Huwebes hanggang Abril 7. Ang parke ay may mga 800 cherry tree ng 55 varieties.
Sa ilang mga puno na nagsimula na sa pamumulaklak sa gitna ng mainit na kondisyon, ang mga lokal na opisyal ng turismo ay naghahanda na upang maayos ang lugar upang maging handa ito sa mga bibisita.
Naghanda ang mga organizers ng event para sa 80,000 guide maps at maglalagay ng mga palatandaan sa pagtatapon ng basura at iba pang mga bagay sa tatlong languagr sa paligid ng park.
Source: NHK World
Join the Conversation