Ang pinakabagong ulat tungkol sa the happiest place to live sa buong mundo ay nagsasabi na ang mga tao sa mga bansang Nordic na may mataas na social welfare at edukasyon ay mas masaya at kuntento sa kanilang buhay. Nasa ika-58th na lugar naman ang Japan, na kung saan mas bumaba ng 4 mula noong nakaraang taon.
Ang World Happiness Report, na nilikha ng UN Sustainable Development Solutions Network, ay nagra-rank ng 156 na bansa at territories kung gaano kino-consider na masaya ang buhay ng mga citizens. Ang taunang study ay base sa mga factors tulad ng per capita gross domestic product, life expectancy at social freedom.
Ang Finland ang nangunguna sa listahan, sa 2 taong magkakasunod, ayon sa resulta na inilabas noong Wednesday. Ang Denmark naman ang nasa second place na sinundan ng Norway sa ikatlong lugar.
Ang UK ay nasa 15th place at ika-19th na lugar naman ang United States.
Ang Japan ang pinaka-mababa sa loob ng mga G7 nations. Sa Asia, ang Taiwan ay nasa 25th-place, ang Singapore ay nasa 34th at 54th naman ang South Korea.
Ang Japan ay nasa pinaka-mataas na rank pagdating sa number of years na nabubuhay ang tao na nasa magandang kalusugan subalit nasa pinaka-mababang rank naman pagdating sa social freedom at generosity.
Sa 156th place, ang South Sudan ang pinaka-least happy place to live. Isang peace treaty ang sa wakas naipatupad noong August pagkatapos ng maraming taong may conflict ang bansa.
Source: NHK World
Join the Conversation