Isang survey ang nag-pakita sa malupit na pag-papa trabaho sa mga dayuhang mang-gagawa

Mga dayuhang mang-gagawa sa Japan nakararanas ng maling trato sa pagpapa-trabaho mula sa kanilang mga employer.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Mga Foreign Interns na nag tatrabaho sa Japan.

Nalaman ng Japan Ministry of Justice ang mahigit na 700 bagong kaso na pinag-sususpetsahang nagkaroon ng pag-labag sa Labor Law na kinasasangkutan ng mga employer ng mga Foreign Technical Interns na tumakas mula sa kanilang mga trabahuhan.

Muling sinuri ng Ministeryo ang resulta mula sa isinagawang interview sa mahigit na 5,218 na interns na nilisa ang kanilang trabaho sa pagitan ng Enero at Septyembre taong 2017.

Napag-alaman ng mga opisyal na mayroong nilabag na batas ang mga nasangkot na employer ng 38 interns.

Ayon pa sa Ministeryo, mayroon pang 721 interns ang pinag-tatrabaho ng hindi maayos na pagpapa-trabaho ng kanilang employers tulad ng hindi pagpapa-sahod ng tama at sobra-sobrang oras ng pagpapa-trabaho. Dagdag pa ng Ministeryo ang mga nakuhang resulta ay isinumite na sa tanggapan ng Labor Standard Inspection Offices.

Muli rin sinuri ang mga talaan at nakitang mahigit 171 Foreign Interns ang pumanaw sa loob ng 6 na taon mula 2012, ito ay sobra ng 43 mula sa orihinal bilang na isinumite.

Ang isyu ng mga nawawalang banyagang interns ay naging paksa sa debate sa isang DIET Session nuong nakaraang taon. Ito rin ang panahon kung saan napagtibay ang pahintulot na makapag-trabaho ang mas marami pang dayuhan sa bansa.


&nbspIsang survey ang nag-pakita sa malupit na pag-papa trabaho sa mga dayuhang mang-gagawa

&nbspIsang survey ang nag-pakita sa malupit na pag-papa trabaho sa mga dayuhang mang-gagawa
Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund