Ina-resto ng lokal na kapulisan sa Pilipinas ang 61 anyos na Japanese national dahil sa pagkaka-sangkot nito sa 2 pang hapon sa Manila nuong taong 2015, mula sa ulat ng Chunichi Shimbun.
Bandang ala-6:30 nuong ika-15 ng Marso, nahuli ng mga pulis si Kenichiro Kobayashi sa Quezon City sa labas ng Manila. “Hindi ako pumatay ng kahit sino.” ani ng suspek sa mga pulis habang itinatanggi ang mga paratang sa kanya.
Ayon sa Philippine National Police, si Kobayashi na isang residente sa Manila. Siya ay mastermind umano sa pag-patay kay Shinsuke Toba (32) na mula sa Yamanashi Prefecture sa Japan nuong ika-18 ng Oktubre, 2014.
Sa unang kaso, binaril at napatay ng isang hitman na naka-sakay sa motor si Toba sa Lungsod ng Las Pinas sa Manila. At nuong Septyembre, binaril at napatay na iisang hitman sa parehong lugar si Tatsuya Nakamura (43) na taga- Yamanashi Prefecture din.
Ayon sa pulis, kabilang si Kobayashi sa Wanted List ng Interpol. Ilang buwang minanmanan si Kobayashi bago tuluyang mahuli.
Nuong Enero ng 2017, inaresto ng pulis si Kirby Tan sa Las Pinas city dahil sa pagiging hitman nito sa 2 krimen.
KABAYARAN MULA SA INSURANCE
2 taon na ang nakalilipas, sinintensyahan ng death sentence si Toshihiko Iwama, 45 anyos dahil sa partisipasyon nito sa pag-patay sa mga biktima. Habang habang buhay na pagka-bilanggo naman ang ipinataw na parusa sa kasabwat nitong si Shoichi Kubo. Humihiling ng appeal sa kaso si Iwama.
Nuong ipinataw ng korte ang sintensya sa 2 nasasakdal, sinabi ng korte na nagawa ng mga suspek ang krimen upang maka-kuha ng pera mula sa insurance ng mga biktima.
Ayon sa mga naunang ulat, ang traveler’s insurance policy na nagkaka-halaga ng 100 ka-lapad na nakuha para kay Toba. May isa namang insurance policy na nagkaka-halaga ng 50 ka-lapad ang nakuha para kay Nakamura. Gayunpaman, ang mga payout ay hindi nagawa sa parehong policy.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation