Isang babae at lalaki ang tumalon sa kanilang kamatayan sa Konohana Bridge.

Isang babae at lalaki kinitil ang buhay sa pamamagitan ng pag-talon sa isang bridge sa bansang Japan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Suspetsa ng Osaka Prefectural Police na nagpa-tiwakal  ang isang lalaki at babae sa pamamagitan ng pag-talon sa suspension bridge sa Konohana Ward sa Osaka City nuong linggo, mula sa ulat ng Sankei Shimbun.

Bandang alas-3:55 ng hapon, isang dumadaan lamang sa tulay ang tumawag at nag-report sa pulis na may nakita siyang sandals at coat na naka-lapag sa guardrail ng tulay.

Nakita ng mga rumespondeng pulis ang palutang-lutang na katawan ng dalawang katao na may layong 300 metro mula sa silangang bahagi ng tulay.

Ayon sa mga pulis, ang dalawa na parehong naka-suot ng itim ay kalaunang kinumpirmang wala ng buhay sa ospital. Walang nakitang mga pinsala o sugat sa katawan ang 2 katao.

Ang Konohana Bridge ay may taas na 300 metro kataas.

Ayon sa mga awtoridad, ang dalawa ay kinilalang isang 22 anyos na babae na mula sa Chuo Ward at 18 anyos na lalaki mula sa Fukushima. Hindi pa alam kung ang dalawa ay magka-kilala.

Ang Konohana Bridge ay may taas na 300 metro. Ito ay hinirang na pinaka-mataas na self-anchored suspension brigde sa bansa nuong ito ay ginawa nuong taong 1990.

Souce: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund