Inaresto ng Tochigi Prefectural Police ang isang 41 anyos na lalaki dahil sa pag-atake umano nito sa isang Indonesian national na lalaki sa harapan ng isang mosque sa Sano City nitong linggo, ayon sa ulat ng NHK.
Bandang hapon, ay inatake umano ni Hidefumi Shimada, walang trabaho, ang biktima gamit ang isang bakal na ipinalo nito sa mukha at kamay ng paulit-ulit sa biktima sa kalsada sa tapat ng Sano Masjid Mosque.
Itinanggi ni Shimada ang paratang sa kanya at nag-sabi sa mga pulis na “Wala akong maalala.”
Si Shimada ay naninirahan sa lungsod ng Sano. Ito ay naging person of interest matapos suriin ng mga pulis ang kuha sa mga security camera sa lugar na malapit sa pinang-yarihan ng insidente.
Ani ng biktima sa mga awtoridad, “Ginawa ko na ang mga dapat kung gawin at saka ako nag-tungo sa mosque, hindi ko kilala ang taong umatake sa akin.”
Kasalukuyang ini-imbestigahan ng mga pulis ang sanhi kung bakit nangyari ang insidente.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation