Ang publiko ay niyayaya sa huling pagka-kataon upang masilayan ang mga Cherry Blossoms sa Imperial Palace Grounds bago bumaba sa pwesto si Emperor Akihito.
Nitong ila-30 ng Marso ay binuksan sa publiko ang kalsada ng Inui na puno ng naka-hilerang Cherry Trees. Dinagsa ng daan-daang bisita ang lugar at hindi inalintana ang lamig ng panahon upang libutin ang mahigit 600 metrong ruta.
Ang mga puno ng Cherry ay kauna-unahang isina-publiko nuong taong 2014, bilang pag gunita sa ika-80 kaarawan ni Emperor Akihito.
Nitong mga nakaraang 5 taon, ang kalsada ng Inui ay binubuksan sa publiko tuwing Tag-sibol at Tag-lagas upang masilayan ang nag-gagandahang Cherry Blossom sa tag-sibol at makulay na dahon ng mga puno tuwing tag-lagas.
Karamihan sa pumunta sa lugar ay alam na ito na ang huling araw sa Heisei era na masisilayan nila ang mga puno. Ang Heisei era ay nag-simula nuong 1989. Sinamantala ng lahat ang pagkaka-taon at kumuha ng maraming litrato bilang pag-alala sa mag-tatapos na era ng bansa.
Ang kalsada ng Inui ay bukas sa publiko mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:30 ng hapon hanggang ika-7 ng Abril. Walang bayad ang entrace dito. Ang mga nais bumisita ay maaaring maka-pasok sa Sakashita-mon Gate na malapit sa Tokyo Station at ang exit ay sa Inui-mon Gate.
Sa karagdagang impormasyon sa wikang ingles, maaaring bisitahin ang Imperial Household Agency Website. (http://www.kunaicho.go.jp/e-event/inui-h31haru.html).
Source: The Asahi Shimbun
Image: Hiroyuki Yamamoto
Join the Conversation