Ang parasitic Anisakis Worms ang numero unong sanhi ng food poisoning nuong taong 2018 sa kauna-unahang pagka-kataon. Ang bilang ng pasyente mula sa sakit na Anisakiasis ay dumoble mula nuong nakaraang taong.
Ang mga ulat ukol sa food poisoning sanhi ng Anisakis Nematodes mula sa laman loob ng mga isda ay mabilis na nadaragdagan sa mga nag-daang taon, lalo na sa pagkain ng hilaw na skipjack tuna. Ayon sa datos na na-compile ng Ministeryo ng Kalusugan na ini-labas nuong ika-13 ng Marso.
“Nuong taong 2018, 468 na kaso mula sa 478 na pasyente ang nai-ulat. Ito ay doble ng pigura mula sa 230 kaso sa 242 na pasyente nuong 2017. ”
Bilang resulta, ang kaso ng Anisakis poisoning ay humigit sa food poisoning ng Campylobacter Bacteria na nakukuha sa mga manok. Nagkaroon ito ng 319 na kaso mula sa 1,995 na pasyente.
Hanggang ngayon, ang sakit ay pangunahing nakukuha dahil sa pag-kain ng hilaw na Mackarel, Squid at Saury. Ngunit nitong taong 2018, ang nasabing bacteria ay nakuha dahil sa pagkain ng hilaw na Skipjack Tuna, ang bilang ng kaso nito ay tumaas, mula sa 103 na pasyente 100 kaso ang naitala ukol rito. Ito ay tumaas ng 10 beses mula sa pigura nang mga nakaraang taon.
Ani ng isang opisyal ng Ministeryo, “Dahil na rin umano sa pagba-bago ng temperatura ng tubig dagat, ang parasite ay dumikit sa mga pagkain sa lugar kung saan namamalagi ang mga Skipjack tuna.”
Isang team na ang nagsasa-gawa ng imbestigasyon ukol sa nasabing usapin.
Nag-bigay naman ng 4 na hakbang ang ministeryo upang maiwasan ang pagka-lason sa pagkain buhat nang Anisakis: ・Lutuin ng mabuti ang isda sa apoy na may init na 70゜degree celcius o pataas pa. ・Ilagay ito sa freezer na may -20゜degree celcius sa loob ng 24 oras. ・Tignan ng mabuti ang isda, linisin at alisin agad ang mga makikitang anisakis larvae.・Palaging bumili ng sariwang isda, linisan at agad na alisin ang mga laman loob nito.
2-3cm kahaba ang mga Anasakis Larvae. Ito ay parasite na matatagpuan sa laman loob ng isda. Mabilis itong kumakalat sa muscle ng tiyan ng isda kapag ito ay hindi na sariwa. Apag naka-kain ng isda na mayroon nito, ang mga sintomas na tulad ng matinding pananakit ng tiyan at pag-susuka ay maaaring lumitaw sa loob lamang ng ilang oras.
Kahit ilublob sa asin at suka, ang Anisakis Larvae ay hindi namamatay.
Source: Asahi Shimbun
Image: Tokyo Metropolitan Institute of Public Health
Join the Conversation