Bagong Atami Spa, may Giant Bath

Naka-tayong hot bath, ipina-kikilala ng Tokyo Dome Corp.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Mag-enjoy sa panoramic ocean view mula sa open air TACHIYU bath sa Atami, Shizuoka Prefecture

Ang Tokyo Dome Corp. ay nag-lalayon na bumuo ng isang bagong base para sa mga costumers sa Atami, Shizuoka Prefecture. Planong lagyan ito ng malaking Hot Spring facility na bubuksan sa March 28. Maaari itong mag-bigay pansin sa mga day-trippers.

Ang nasabing kompanya ay i-aalok ang bagng hot spring sa Asahi Korakuen Hotel,  kapag binuksan na nito ang Atami Bay Resort Korakuen.

Fuura ang tawag sa ocien view bath nila. Ito ay may haba na 25 meters at ito ay isang “Tachiyu”. Ito ay may malalim at maaaring naka-panatiling naka-tayo habang naka lublob ang katawan sa tubig. Sa pamamagitan ng pag-tayo ng mga naliligo. Maaari nang masilayan ang panoramic view ng Sagaminada Sea mula sa paliguan na nag-lilikha ng pakiramdam na ito ay naka-lutang sa ibabaw ng dagat.

Ang Stone Bath area ay mayroong dalawang paliguan na may magka-ibang temperatura. Ito ay mayroon rin na malaking reting area, Cafe, Beauty Salon at iba pang pasilidad.

Ayon pa sa aktress na si Anne Nakamura, ang itinalaga upang i-promote ang resort ay ” ang Ocean View ay mayroong tanawin ng mga isla na makikita mula sa Tachiyu. Ito ay isang lugar kung saan makakapag-relax ang mga dumarayo dito. ”

Ang Habor’s W na may 256 seater restaurant ay mag-bubukas rin. Sila ay nagse-served ng grilled food, fresly baked Pizza at iba pang mga pagkain. Magiging available rin ang original craft beers dahil sa pakikipag-tulungan ng kompanya sa Kamakura-Beer Brew Co.

Ang La Izu  Marche Market ang bahala sa pag-provide ng mga local specialties na mula pa sa Izu Region ng prepektura. Halimbawa niyo ay ang mga wild vegetables, sea foods at sweet treats. Mag-bubukas rin ng ikatlong outlet ang Atama Purin na sikat dahil sa kanilang Flans.

Ang nasabing proyekto ay aabutin mg mahigit ¥11 billion ($18 million).

Ayon sa Tokyo Dome, ang pangunahing target ng kanilang kompanya ay ang mga empleyado ng mga kompanya na nag-eedad ng 20 hanggang 30 anyos, at mga mag-asawa na nag-eedad ng 30 hanggang 40 anyos.

Inaasahan na aabot sa 250,000 bisita ang maliligo at pupunta sa kanilang bagong pasilidad sa Atami, na isa rin sikat na destinasyon para sa mga turista. Marami-rami rin ang mga bisitang nais magpa-lipas ng gabi sa nasabing lugar.

Ang hot spring facility ay bukas mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi. Admission fee para sa Junior High School at pataas ay ¥2,500, at para naman sa mga kabataang nag-eedad ng 4 pataas ay ¥1,800. Samantalang hindi pinapapasok ang mga batang 3 taon pababa.

Hangad ng kompanya na maakit o main-ganyo ang mahigit 130,000 katao na magpa-lipas gabi sa kanilang Hotel na mayroong 189 na kwarto.

&nbspBagong Atami Spa, may Giant Bath

&nbspBagong Atami Spa, may Giant Bath
Source: The Asahi Shimbun

Image: Tokyo Dorm Corp.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund