Plano ng Imperial Household Agency ng Japan na payagan ang publiko na maka-pasok sa Imperial Palace Grounds at dumalo sa ika-4 ng Mayo upang ipag-diwang ang pag-upo ng bagong hirang na Emperor.
Sinabi ng isang source sa NHK na ang pag-diriwang ay gagawin maka-lipas ang 3 araw matapos koronahan si Crown Prince Naruhito nitong darating na ika-1 ng Mayo.
Bababa na sa pwesto sa ika-30 ng Abril si Emperor Akihito.
Pina-lano ng ahensya na ganapin pag-diriwang matapos ang isang ritwal na naka-schedule sa ika-22 ng Oktubre sa pagpapa-hayag ng bagong hirang na Emperor.
Ngunit sinabi ng source na napag-kasunduan nila na mas tama na ipag-diwang ito matapos itong maupo sa trono bilang bagong Emperor.
Ayon din sa sources, mas madaling madaluhan ng mga tao ang pag-diriwang sa napagka-sunduang bagkng petsa. Ito ay dahil ang ika-4 ng Mayo ay pasok sa 10 araw na holiday.
Sinabi rin na hindi dadalo sina Emperor Akihito at Empress Michiko sa nasabing pag-diriwang
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation