Ayon sa mga sources ng pamahalaan, ang mga pinag-pipiliang pangalan para sa susunod na era ng bansa ay pina-niniwalaang mang-gagaling sa Japanese Classics kahit na ang mga nag-daang pangalan ng era ay hango sa Chinese Classics. Ang bagong pangalan ng era ay ipapa-hayag sa April 1.
Ang pangalan ng isang Japanese era ay gina-gamit sa loob ng pag-hahari ng isang emperor. Ito ay naka-sulat sa mga kalendaryo at mahahalagang dokumento ng pamahalaan ng bansa. Ang mga nakalipas na era ay identifiable sources ay mula sa Chinese classics, dahil ang era system ito ay hango sa bansang Tsina.
Ayon sa isang source, opisyal na nag-tanong ang pamahalaan sa mga eksperto sa Japanese Literature, Chinese Literature, Japanese History at East Asian History upang maka-buo ng proposal. Mahigit 20 ang salitang napili at ito ay bababa sa dalawa hanggang tatlo salita lamang, bago mapag-desisyonan kung alin dito ang mapipili.
Kahit ang mapiling salita para sa baging era ay pinukaw mula sa Classical Japanese Literature, ito ay paniguradong hango pa rin sa literatura ng Tsina.
Ayon sa isang eksperto, “Marami sa Japanese Classics na naka-sulat sa istilo ng Tsina na maaaring hango mula sa Chinese Classics. ”
Ang era na kasalukuyang ginagamit ay ang Heisei era na nag-simula nuong January 8, 1989. Ito ay mag-tatapos sa April 30, kung saan bababa sa pamumuno si Emperor Akihito. Sa ika-1 ng Mayo ay mag-sisimula na ang bagong era matapos koronahan ang susunod na Emperor na si Crown Prince Naruhito.
Ang kahulugan ng “平成 Heisei” ay “Makamtan ang Kapayapaan.” na mula sa kataga ng isang Chinese Classic.
Image: FNN Prime
Join the Conversation