Isang record-high na 2.73 million foreign nationals ang nakatira Japan as of December. Ang bilang na ito ay pinakamataas sa consecutive na limang taon.
Ang Justice Ministry ay nagsabi na ang mga dayuhang residente ay nasa 2,731,093. Ito ay nadagdagan ng 169,245 o 6.6 percent mula noong nakaraaang taon.
Ang 771,568 dito ay mga permanent residents, 337,000 naman ay student visas at 328,360 ay kasalukuyang nasa vocational training.
Ang bilang ng foreign vocational trainees ay lumagpas sa 300,000 sa unang pagkakataon at halos nasa 20 percent na mas mataas keysa sa nakaraang taon.
Ang mga residente na galing China ang nangunguna sa listahan na nasa 764,720, sinundan ng South Korea na nasa 449,634 at Vietnam na nasa 330,835. Ang bilang ng mga Vietnamese nationals ay mas mataas ng 26 percent keysa sa nakaraang taon.
Sinabi ng ministry na may 74,167 katao ang nag-overstay ng kanilang visa as of January 1. Ito ay 11.5 percent na mas madami keysa sa nakarang taon, at ika-5 taon na magkakasunod-sunod na mataas ang bilang.
May 12,766 South Koreans, 10,131 Vietnamese at 10,119 Chinese residents. Ang bilang ng Vietnamese nationals ay tumataas ng 65 percent kada taon.
Source: NHK World
Join the Conversation