African Swine Fever, laganap na sa Asya

Bansang Japan nanganganib na mapa-sukan ng African Swine Fever Virus.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
African Swine Fever, isang sakit na maaaring maka-hawa at pumatay ng maraming alagang baboy.

Nag-bigay ng babala ang Agriculture Ministry ng Japan na malaki ang posibilidad na ang African Swine Fever ay maka-pasok sa Japan. Ito ay matapos na kumpirmahin ng Vietnamese Authorities na laganap sa kanilang bansa ang nasabing sakit. Mahigit 10 farm ang kumpirmadong nagkaroon nito sa kanilang lugar.

Ang African Swine Fever Virus ay iba sa kumakalat na Swine Fever sa bansang Japan. Ang sakit na ito ay hindi na-ipapasa sa mga tao. Subalit it ay lubhang sakit na naka-hahawa sa mga alagang baboy. Ang mga baboy na natamaan nito ay maaaring dumanas ng mataas na lagnat at marami pang ibang sintomas at halos lahat ng kaso ay nauuwi sa pagma-matay ng alaga.

Nagkaroon na rin ng mga kalat-kalat na kaso nito sa kontinente ng Africa bago pa ini-ulat ang mga kaso sa Silangang Europa at Russia, halos 12 taon na ang naka-lilipas.

 

Nitong buwan lamang ng Agosto, ang unang kaso ng African Swine Fever ay nai-tala sa bansang Tsina. Ang nasabing virus ay lumaganap sa mahihig 130 na Pig Farms.

Nakumpirma rin ang pag-laganap nito sa Mongolia, sumunod sa Vietnam. Mahipit na ipinapa-alala ng Agriculuture Ministry ng Japan sa lahat ng pasahero ng anumang airline na huwag mag-dala ng anumang meat products na papasok sa Japan ng walang sapat na permiso.

Nag-dagdag naman ng bilang ng Animal Quarantine Officers at Dog Sniffer sa bawat paliparan ng bansa upang maipag-tibay ang seguridad sa mga pasaherong mag-dadala ng meat papasok sa bansa. Ang hakbang na ito ay upang maiwasan na maka-pasok sa bansa ang malubhang sakit sa mga baboy.

Ayon kay Dr. Makoto Yamakawa, isang eksperto sa National Agriculuture and Food Research Organization, tumataas ang puntos ng bantang maka-pasok sa bansa ang malubhang sakit sa baboy. Dapat rin na ayusin ang sanitation sa mga pig farms sa Japan.

Source and Image: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund