Mahigit 38,000 participant ang lumahok sa taunang Tokyo Marathon nuong Linggo, kahit maulan.
Si Birhanu Legese ng Ethiopia ay nanalo matapos tapusin ang karera sa loob ng 2:04:48.
Samantalang si Kensuke Horio ng Japan ay mabilis na natapos ang kakera sa loob lamang ng 2:10:21 oras. Siya ay hinangal na maka-sali sa Marathon Grand Championship sa Septyembre. Ito ay isang qualifying event upang maka-sali sa 2020 Olympic, mula sa ulat ng Kyodo.
Para naman sa Women’s title, nanalo si Puti Aga ng Ethiopia matapos tapusin ang karera sa loob ng 2:20:40. Samantalang si Mao Ichiyama na lumaban sa kauna-unahang pagkaka-taon ay tinapos ang karera sa loob ng 2:24:33, pinaka- mabilis sa Japan. Siya ay naka-kuha ng 3rd place.
Nag-simula ang karera sa harapan ng Tokyo Metropolitan Government Building sa Shinjuku bandang alas-9:00 ng umaga. Ang course ay iikot sa Asakusa at Ginza bago pumunta sa finish line sa Tokyo Station.
Tulad nang isinasagawa ng mga participants taon-taon, sila ay tumakbo ng mga naka-costume.
Source and Image: Japan Today/Kyodo
Join the Conversation