TOKYO
Ang Hitachi Ltd at ang kanyang 10 group firm ay sinampahan ng mga order sa pagpapabuti para sa ilegal na pamamaraan ng paggamit ng mga dayuhang trainees, kabilang ang pagbabayad sa kanila ng mas mababa kaysa sa minimum wage, sinabi ng source noong Martes.
Ito ang pangalawang pagkakataon sa loob ng walong buwan na ang Hitachi ay nahaharap sa kritisismo sa pag-aaral para sa paraan ng pag-empleyo at paghahatid ng mga trainees.
Ang Organization for Technical Intern Training ay nagsagawa ng mga inspeksyon sa 12 mga branch sa pagitan ng Abril at Setyembre ng nakaraang taon.
Nalaman na ang mga teknikal na interns ay pinagta-trabaho ng iba keysa sa nakasaad na uri ng trabaho sa kanilang technical training program, at ang kumpanya ay lumalabag sa isang batas sa scheme na inisponsor ng pamahalaan, ayon sa source.
Kapag napatunayan ng OTIT na ang kumpanya ng Hitachi ay hindi kumuha ng sapat na hakbang upang mapabuti ang kalagayan, ito ay mag-sasampa ng mga kaso sa justice labor and ministries, at maaaring maalis ang lisensya nito sa technical program.
Ang technical internship, na ipinakilala noong 1993 upang maglipat ng mga kasanayan at kaalaman ng Japan patungo sa mga developing countries, ay pinangangambahan na maaari itong magamit at gawing daan ng mga mapanlinlang na mga kumpanya upang makakuha lamang ng cheap labor.
Maraming mga kumpanya sa bansang Hapon ang nakasalalay sa mga trainees sa gitna ng isang malubhang kakulangan ng manggagawa ng bansa dahil sa aging society nito, ngunit sa kabila nito, maraming naiulat na reklamo ng manggagawa sa maliit na pasahod, mahabang oras ng trabaho at malubhang kondisyon.
Tinanggihan naman ng Hitachi na nagbabayad sila sa mga trainees ng mas mababa pa keysa sa minimum na sahod, ay sinabi nila na nakatanggap na sila ng isang advisory para sa pagpapabuti ng sitwasyo mula sa OTIT at ginagawa na naman nila ang nararapat para sa kanilang mga manggagawa.
Source: Japan Today
Join the Conversation