Upang maka-takas sa pananakit, nanay binalewala ang pananakit ng ama sa sariling anak.

Upang maka-takas sa pananakit ng asawa, ina, pinabayaan ang anak na saktan ng ama hanggang sa ito ay maging sanhi ng pagka-matay nito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang ina ng batang namatay di umano sanhi ng pinsalang natamo nito mula sa kamay ng sariling ama ay binalewala ng ina upang hindi ibaling sa kanya ang pananakit ng suspek.

Nagisa Kurihara, ina ng biktima.

Hinuli nuong Lunes si Nagisa Kurihara dahil sa pagkaka-sangkot nito sa pagka-matay ng kanyang 10 taong gulang na anak na si Mia mula sa pananakit ng kanyang asawa.

Ang batang babae ay natagpuan sa loob ng banyo ng kanilang tirahan sa Chiba Prefecture, malapit sa Tokyo.

Yuichiro Kurihara, ama ng biktima

Agad namang hinuli ang kanyang asawa na si Yuichiro sa suspetsang may sala at naging sanhi ng pagka-matay ni Mia.

Mia Kurihara, 10 taong gulang

Sinabi umano ng ina ng biktima sa mga imbestigador na dapat pinorotektahan niya ang kanyang anak , ngunit naisip niya na maka-tatakas na siya sa mga bayolenteng gawain sa kanya ng kanyang asawa kung sa bata maibabaling ang atensyon nito.

Ang mag-anak ay dating naninirahan sa Okinawa bago lumipat sa Chiba Pref. Nuong panahon na iyon ang pamilya ni Nigisa ay nakipag-ugnayan sa mga awtoridad dahil sa natatanggap nitong pananakit mula sa kanyang asawa.

Source and Image: NHK World-Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund