Isang restaurant na nagse-serve ng hot pot dining sa loob ng isang tradisyonal na igloo-like na snow hut ay umaakit ng maraming turista mapa-lokal at mga banyaga dito sa Central Japan, kung saan malakas ang pag-ulan ng niyebe tuwing tag-lamig.
Ang “Restaurant Kamakura Village” ay nag-bubukas lamang tuwing kalagitnaan ng tag-lamig. Mayroong 22 shelter na gawa sa natural na niyebe na naka-set up sa isang palayan. May tatlong klase ng snow huts na may sukat 1.8 hanggang 3 metro kalapad at 2.5 hanggang 3 metro ang taas na maaaring mag-accomodate ng hanggang 10 tao.
Ang restaurant ay nag-aalok ng local specialty na tinatawag na “Noroshi Nabe” isang hot pot na may halong miso (fermented soybean paste) , baboy, at mga gulay. Ang hot pot ay inihahanda sa loob ng kusina upang hindi matunaw ang snow hut. Ang hot pot ay isine-serve sa isang portable stove upang mapanatili itong mainit. Ang mga snow hut ay nilagyan ng mga palamuting ilaw sa gabi upang ma-enjoy ng mga bisita ang unique landscape at kakaibang experience.
Si Nika Sakabe, 6 nq taong gulang ay mula pa sa Minato Ward sa Tokyo ay bumisita sa lugar kasama ang kanyang pamilya at ilang mga kaibigan ay nag-sabi na “Unang pagkaka-taon ko na maka-pasok sa loob ng isang snow hut. Masarap din ang mashed potato balls.”
Ang presyo ng isang adult na kakain ng hot pot ay ¥3,200 (lunch) at ¥3,700 (dinner) kada tao. Samantalang ¥1,900 (lunch) at ¥2,300 (dinner) naman kapag bata o mag-aaral sa elementarya. Kinakailangan ng reservation para dito. Para magpa-book, tumawag lamang sa Shinshu-Iiyama Tourism Bureau 0269-62-3133 (Japanese only)
Ang restaurant ay bukas hanggang ika-28 ng Pebrero. Ayon sa Bureau halos puno na ang reservation ng mga weekends.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation