Sa Numazu, prepektura ng Shizuoka, nakuhaan ng litrato ang isang mirror dory na pangkaraniwang naninirahan sa ilalim ng dagat. Ito ay lumangoy ng papuntang Cape Osezaki.
Ang mga larawan ay kuha ni Kazushige Horiguchi, 32 anyos, isang photographer na naninirahan sa Nishi-Izu sa loob ng prepektura ng Shizuoka.
Nakatanggap umano siya ng balita tungkol sa isang rare fish na nakita sa lugar nuong ika-14 ng Enero. Ilang sandali nakita niya ang isang maliit na Mirror Dory na may sukat na 3cm kahaba at lumalangoy sa ilalim ng tubig.
Ang kaliskis nito ay nagmi-mistulang salamin kapag na-sinagan ng araw, kung-kaya’t ito ay tinawag na Mirror Dory.
Si Horiguchi na matagal nang diving guide ay nag-sabi na ito ay ang unang pagkaka-taon na maka-kita ng buhay na Mirror Dory.
Ang mga ito ay karaniwang naninirahan sa malalim na bahagi ng karagatan na may lalim na 200 hanggang 800 metro ka-lalim.
Ang mga maliliit na Mirror Dory ay may mga spots sa kanilang katawan, ngunit habang lumalaki ito ay nawawala at napapalitan ng silver na kaliskis.
Source: The Asahi Shimbun
Image: Kazushige Horiguchi
Join the Conversation