Sa suspetsa ng paglabag sa batas ng lending activity, ang Pilipino na si Edward Ando Canteros (48 taong gulang), may-ari ng isang Philippine sari-sari store sa Kani (Gifu), ay naaresto noong Lunes, Pebrero 18.
Sa panahon mula Hunyo hanggang Disyembre noong nakaraang taon ay nagpautang siya ng mahigit 330,000 yen sa tatlong kababayan, kung saan siya ay nakakuha ng 31,500 yen sa interes, na kung saan ito ay mas mataas sa halaga na pinapahintulutan.
Sa istasyon ng pulis, inamin ng may-ari ng tindahan kung ano ang ginawa niya. Nadiskubre ng pulisya ng Kani ang mahigit sa 300 passport, na kinuha niya bilang garantiya para sa utang, na natagpuan sa kanyang tirahan. Bukod pa sa mga passport may natagpuan din ilang mga bank cashcard ng mga “kliyente” nito.
Noong Enero 26 ng taong ito, siya ay naaresto din dahil sa suspetsa ng ilegal na pagbebenta ng mga gamot mula sa kanyang bansa, nang walang pahintulot mula sa pamahalaan ng Japan at walang lisensya para magbenta ng mga gamot.
Join the Conversation