Itong nalalapit na panahon ng tag-sibol dito sa Japan, halos lahat ng kumpanya ay naka-gagawa ng produktong may koneksyon sa Cherey Blossoms. Mula sa mga inumin, pagkain, kasuotan at mga accessories. Halos lahat ay maaaring gawing Sakura-fied ngayong season.
Lahat halos ng klase ng produkto ng mga naglalakihang kumpanya ay ginagawang “in” sa nasabing tema. Ang Adidas ay gumawa ng sneakers na pasok ngayong panahon. Ang dalawang disensyo ay hango sa modelo ng Adicros Casual Golf Wear.
Ang parehong produkto ay pino at mahusay ang pagka-disenyo at pagka-gawa. Ang motif na cherry blossom ay naka-disenyo sa insoles ng sneakers habang ang berdeng kulay sa labas ay nag-rerepresent bilang dahon at ang ilalim na bahagi ng sapatos ay mayroong pale pink na kulay.
Ang mga nabanggit na produkto ay mag-sisimulang ibenta mula ika-1 ng Marso. At kung nais mag pre-order online, i-click lamang ang link sa ibaba.
https://shop.adidas.jp/golf/moments-in-time/
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation