Pag-download at screenshot ng mga imahe o video ay magiging criminal act na dahil sa pag-babago sa Copyright Law sa Japan.

Copyright Law ng Japan babaguhin.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ang pag-screenshot gamit ang mga smartphone ay ilegal lalo na kung ito ay involve sa pirated materials.

Ang Agency ng Cultural Affairs ay nagpa-planong mag-sumite ng bill sa kasalukuyang Diet Session, matapos payagan o aprubahan ng isang advisory council subcommittee na ipa-tanggal ang mga naka-sanayan para sa pag-babago sa isang pulong na naganap nuong ika-13 ng Pebrero.

Ang talakayan ay orihinal na nag-simula upang malabanan ang lumalaking problema sa mga mandarambong, habang ang mga mamahayag ay nakararanas ng pagka-wala ng kita mula sa bootleg version na ibinabahagi sa internet.

Ang bina-balak na rebisyon ngayon ay nangangahulugan ng isang mas malawak na pangkat ng mga pag-kilos mula sa publiko. Ito ay magiging criminal charges kapag ang mga ito ay may kinalaman o may alam na nagkaroon ng copyright infridgement.

Kabilang sa naturang aksyon ang pag-download o pag-kuha ng mga nobela, magazine, larawan, theses at computer program na ipi-nost sa internet nang walang pahintulot sa may-ari.

Kahit ang pag-download ng isang imahe tulad ng emoticon, ilustrasyon o lawaran sa isang pribadong blog o twitter page ay pag-labag sa batas.

Ang mga users ay pinag-babawalan rin na mag-copy paste ng mga lyrics ng mga nai-post sa mga blog.

Ang pag-upload ng mga naka-copyright na materyales nang walang pahintulot sa may-ari ay iligal sa Japan.

Ang pag-download ilegal lamang para sa mga naka-copyright na nilalaman ng isang musika o video.

Plano ng ahensya ng Cultural Affairs na tukuyin ang isang limitadong hanay ng mga pag-labag na nasasakop sa parusa. Ito ay pagka-bilanggo ng hanggang 2 taon at pag-multa ng mahigit 2 milyong yen ($18,000).

Source and Image: The Asahi Shimbun

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund