Ayon sa kumpanya na nagpapa-upa ng apartment sa Japan, natuklasan nito ang mga depekto sa mahigit sa 11,000 na mga gusali nila sa buong bansa.
Sinabi ng Leopalace 21 sa NHK na sinuri nito ang mahigit 14,000 na mga gusali nito noong ika-28 ng Enero at nalaman na ang 11,243 sa kanila ang may problema.
Napilitan ang Leopalace na mag inspeksyon noong nakaraang taon dahil hindi sila nag-install ng mga pader na lumalaban sa sunog o firewall sa higit na 200 na mga gusali nito.
Sinabi ng mga opisyal ng kumpanya na hiniling nila sa 7,711 na residente ng 641 na mga gusali upang lumipat sa katapusan ng susunod na buwan na gastos ng kompanya. Sinasabi nila na ang mga gusaling ito ay mas malaki ang panganib dahil ang mga istrakturang hindi masusunog sa kisame ay hindi nakakatugon sa mga pamantayan ng pamahalaan.
Sinasabi ng Leopalace na plano nito na tapusin ang pag-inspeksyon sa natitirang 25,000 na mga gusali sa Hunyo, at isagawa ang pag-aayos sa Oktubre.
Source: NHK World
Join the Conversation