Kamikawa, Hokkaido- Naglalakihang sculptured ice na inilawan ng iba’t-ibang kulay ang bumighani sa mga bisitang nag-punta sa Sounkyo Gorge, na nasa paanan lamang ng Mt. Daisetsuzan.
Ang Sounkyo Onsen Hyobaku (Ice Fall) Festival ay nag-aalok ng mga magagandang oportunidad na maka-kuha ng litrato sa ilalim ng mga naglalakihang icicles sa isang ice tunnel na mayroong mahigit 110 metro ang haba. Ang loob nito ay pinalamutian ng iba’t-ibang kulay na mga ilaw.
Ang nasabing event ay nag-patunay na patok sa mga turista di lamang sa loob ng bansa kundi pati sa mga turistang banyaga. Ito ay dahil tiniis nila ang napakalamig na panahon at malakas na ihip ng hangin upang makita lamang ang 30 mahigit na ice sculpture na may iba’t-ibang laki tulad ng mga structure na similar sa igloo.
Napaka-matrabaho ang ginawa upang mabuo ito. Ito ay dahil kinakailangan na mag-pump ng tubig mula sa malapit na Ishikawa River upang i-spray sa log structure sa loob ng 2 buwan.
Ang nasabing pagdiriwang ay magtatagal hanggang ika-7 ng Marso. 300 yen lamang ang admission fee dito.
Source and Image: The Asahi News
Join the Conversation