Ang gobyerno ng Japan ay mag-sasagawa ng pambansang survey ukol sa mga kasalukuyang dayuhang residente bilang bahagi ng pag-hahanda sa pag-tanggap ng mas maraming dayuhan na mag-sisimula sa darating na buwan ng Abril.
Ang Ministry ng Japan ay nag-nanais na mag-sagawa ng pag-aaral habang nag-aantay na tumaas ang bilang ng mga dayuhang maninirahan sa Japan.
Isang palatanungan ang ipapadala sa mga dayuhang residente sa buong bansa na may paksang kung ano at saan ang sanhi ng kanilang problema o abala sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
Kabilang rin dito ang tanong kung sila ay naka-raranas ng pang-aapi o diskriminasyon.
Plano ng ministro na gumawa ng suporta para sa mga dayuhang residente, habang kinu-kunsidera ang resulta ng pag-aaral.
Hindi pa napag-dedesisyonan ng ministro kung kailan isasa-gawa ang nasabing survey at kung ilang dayuhang residente ang magpa-participate rito.
Isang similar na ministry survey ng mga dayuhan ang isina-gawa nuong 2016 sa Tokyo, Osaka at iba pang mga lungsod bilang tugon sa mga problema na may kinalaman sa mapuot na pananalita.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation