Kahina-hinalang kilos ng isang lalaki, nauwi sa pagkaka-huli niya!

Kahina-hinalang kilos ng isang lalaki nauwi sa pag-dampt sa kanya ng mga pulis.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inaresto ng Kanagawa Prefectural Police nuong Lunes ang isang 22 anyos na lalaki sa suspetsang pagnanakaw. Ito ay matapos mapansin mga awtoridad ang kahina-hinalang kini-kilos nito sa isang ATM machine sa lungsod ng Kawasaki, mula sa ulat ng TBS News.

Bandang alas-2:00 ng hapon, isang officer na nagpa-patrol ang naka-pansin sa suspek na si Tsubasa Uechi, na sinusubukang mag-withdraw ng 2 lapad mula sa ATM machine sa loob ng convenience store na malapit sa Noborito Station, Tama Ward.

Nuong tinanong ang ang suspek na si Uechi tungkol sa card, ito ay nag-sabi na ang card ay pag-aari ng kanyang “Tiyahin”, sabay biglang umalis patungo sa direksyon ng istasyon ng tren. Si Uechi ay residente ng Prepektura ng Okinawa.

Agad naman nalaman ng mga pulis ang lugar kung nasaan si Uechi. Ito ay may 100 metro na layo mula sa tindahan.

Tsubasa Uechi, Twitter

Ipinaki-kita sa larawan sa itaas ang aktong pag-tatayo sa suspek mula sa sahig matapos siyang hulihin ng mga pulis.

Bago pa mahuli ang suspek, napansin na ng mga ito na paulit-ulit niyang ginagamit ang ATM machine.

Ini-imbestigahan na ng mga awtoridad kung ang suspek ay may kina-sasangkutang iba pang krimen.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund