Isang lalaki ang inaresto matapos maakusahang pumatay sa kanyang katrabaho at itapon ang labi nito sa isang lawa.

Update news mula sa kasong ng isang bangkay na natagpuang palutang-lutang sa isang lawa sa Suzuka City, Mie Prefecture nuong nakaraang taon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Sa Mie Prefecture, inaresto ng Mie Prefetural Police ang isang 48 anyos na lalaki sa kasong pag-patay umano nito sa kanyang katrabaho. Ang biktima ay natagpuan na patay sa isang lawa sa lungsod ng Suzuka nuong nakaraang taon, mula sa ulat ng Sankei Shimbun.

Nuong ika-29 hanggang ika-30 ng Septyembre, si Shigeki Yogo ay gumamit ng isang mahabang pamukpok upang gamitin sa pag-palo ng paulit-ulit sa ulo at likod ng biktimang si Yoshikazu Muta, 41 anyos at itinapon ang labi nito sa Ishigaki Pond.

Nuong ika-1 ng Oktubre, ang bangkay ni Muta ay nakitang naka-dapang palutang-lutang sa lawa na may ilang metro ang layo sa pampang. Nuong oras ng pag-diskubre ng labi, sinabi ng mga pulis na ang mukha at ulo ng biktima ay nag-tamo ng maraming sugat na sumusukat ng ilang sentimetrong haba.

Shigeki Yogo, Twitter

Ang sanhi ng pagka-matay ng biktima ay shock dahil sa dami ng nawalang dugo rito. Hindi nilinaw ng mga awtoridad kung inamin ng suspek ang mga alegasyon sa kanya o di kaya naman ay kung papaano napunta ang bangkay ng biktima sa lawa.

DNA Analysis

Si Muta ay tubong Osaka, ngunit dahil sa trabaho siya ay nanirahan sa Mie at Aichi Prefecture. Mula kalagitnaan ng Septyembre si Muta at Yogo ay nagka-sama sa trabaho na may kaugnayan sa construction.

Habang nag-iimbestiga, natagpuan ng mga pulis ang kotse nito sa isang kalye sa Nagoya. Mayroon din inilabas na footage ng isang security camera na nag-papakita na magkasama ang dalawa sa isang shopping mall. Ayon sa mga pulis, mula sa isinagawang DNA analysis sa nakuhang gamit na sigarilyo sa sasakyan ni Muta ito ay ginamit o sinigarilyo ni Yogo.

Ikalawang beses nang nahuli si Yogo. Nuong Nobyembre, hinuli siya sa kasong pagnanakaw sa 3 bisikleta sa lungsod ng Nagoya.

Iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng suspek at nauwi ito sa isang karumaldumal na pag-paslang sa biktima.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund