Body scanners ite-test sa Tokyo Subway Stations

Body scanners ite-testing sa mga istasyon ng tren bilang pag-iingat sa mga pasaherong may dalang masamang intensyon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Body Scanners na tutulong matuloy kung may delikadong bagay na dala ang isang byahero.

Sinabi ng Transport Ministry ng Japan na ite-testing nila ang body scanners sa mataong Tokyo Subway Station sa susunod na buwan. Ang scanner ay kayang i-screen ang mga delikadong bagay na naka-tago sa loob ng damit ng isang pasahero.

Ang 4 na araw na experimento a mag-sisimula sa ika-4 ng Marso sa Kasumigaeki Station sa Tokyo Metro.

Ang scanner ay ilalagay malapit sa ilang ticket gates ng istasyon. Ito ay may taas na 60 cm at 20 cm kalapad.

Ang test participants na may dalang pekeng mga delikadong bagay ay hahalo sa mga byahero at dadaan sa aparato, at dito titignan kung makikita o made-detect ng scanner ang nasabing bagay.

Sa nabanggit na test dates, ang mga pasaherong ayaw dumaan sa body screening machine ay maaaring gumamit ng iba gates na walang scanner.

Inaasahan ng Ministry na makita kung ang uri ng security check na ginagamit sa mga paliparan ay maaaring gumana rin sa mga istasyon ng tren ng hindi makaka-abala sa mga byahero.

Ang isinasa-gawang test ay alin-sunod sa pag-aaral na ginagawa ng mga opisyal ng ministeryo upang mapag-tibay ang seguridad sa mga tren. Tulad nuong nakaraang taon, isang pasahero ang nag-amok gamit ang isang kutsilyo sa loob ng tren na nag-resulta sa pag-panaw ng isang pasahero at pag-tamo ng sugat ng 2 pang byahero.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund