Bilang ng insidente sa deer-related injuries sa Nara umabot sa pinakamataas na record

Ang bilang ng mga taong nasugatan sa mga insidente na may kaugnayan sa deer sa Nara Park ay umabot sa bilang na 209 sa nakalipas na buwan, na may mataas na record. Ang mga awtoridad ng prefectural ng Nara ay hinihimok ang mga tao na maging maingat kapag nagpapakain ng usa ng  mga rice crispies at iba pang pagkain upang hindi ma-provoke ang mga hayop.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
A deer watches a group of school children tour grounds in Nara Park in October. Photo: REUTERS file

NARA

Ang bilang ng mga taong nasugatan sa mga insidente na may kaugnayan sa deer sa Nara Park ay umabot sa bilang na 209 sa nakalipas na buwan, na may mataas na record. Ang mga awtoridad ng prefectural ng Nara ay hinihimok ang mga tao na maging maingat kapag nagpapakain ng usa ng  mga rice crispies at iba pang pagkain upang hindi ma-provoke ang mga hayop.

Ang Nara Park ay tahanan ng wild deers na pambansang kayamanan ng Japan, na ginagawang isang popular na lugar ng turista. Gayunpaman, ayon sa Nara Prefecture, ang bilang ng mga taong nasugatan sa pamamagitan ng pagsipa at pagkagat ng usa ay umabot na sa 209 sa katapusan ng Enero, na higit sa 186 naman ang bilang ng mga taong nasugatan sa kabuuan ng nakaraang taon, iniulat ng Fuji TV. Limang banyagang turista ang kabilang sa mga nasugatan.

Sa kabuuang bilang,  walong tao ang nakaranas ng malubhang pinsala, kabilang ang pagkabali ng buto.

Karaniwan, ang karamihan sa mga nasusugatan ay nagaganap mula Setyembre hanggang Nobyembre, sa panahon ng mating season na kung saan ang usa ay nagiging mas agresibo.

Ang parke ay nag-set up ng isang sentro ng impormasyon na nagpapayo sa mga turista sa maraming wika kung paano lumapit sa usa. Ang mga patrol ay gumagawa din ng rounds sa palibot ng parke araw-araw.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund