Ang pagsugpo ng Japan sa problema ng kakulangan ng mga doctor sa mga rural areas

Ang ministeryo sa kalusugan ng Japan ay gagawa ng hakbang upang masugpo ang problema sa kakulangan ng mga doktor sa higit sa isang dosenang prefecture.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: NHK World

Ang ministeryo sa kalusugan ng Japan ay gagawa ng hakbang upang masugpo ang problema sa kakulangan ng mga doktor sa higit sa isang dosenang prefecture.

Naglunsad ang ministeryo ng isang panel upang pag-aralan kung paano haharapin ang kakulangan ng mga doktor sa mga lugar sa rural areas at sobra naman sa supply ng mga doctor sa mga malalaking siyudad.

Ang ministeryo ay nagpasya na magbigay ng isang espesyal na pagtatalaga sa mga prefecture kung saan ang bilang ng mga doktor na may kaugnayan sa populasyon ay mababa.

Hindi bababa sa 15, o halos 1/3, sa lahat ng mga prefecture, ang inaasahang magkaroon ng pagtatalaga, kasama na ang Iwate, Niigata at Shizuoka. Paningin nila ay magkakaroon ng shortage na mahigit sa 24,000 doktor pagdating ng 2036.

Samantala, ang mga doktor sa hindi bababa sa 15 na prefecture, tulad ng Tokyo at Kyoto, ay inaasahang higit sa 18,000 sa parehong taon.

Ang layunin ng ministry ngayon ay upang malutas ang mga kakulangan sa taong iyon. Inaasahan nito na hikayatin ang mga doktor sa mga lungsod na lumipat sa mga rural areas.

Ang isa sa mga hakbang na isinasaalang-alang ay ang pagbibigay ng certifications sa mga doktor na nagtrabaho para sa isang tiyak na panahon sa mga lugar na kulang sa mga doktor.

Ang isa pang potensyal na hakbang ay ang pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral ng medikal na paaralan na kinakailangang magtrabaho sa mga itinalagang rural na lugar pagkatapos ng graduation.

Ngunit sinasabi ng ilang analyst na ang nag-iisang panukala ay hindi sapat.

Source: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund