ang ministeryo ng edukasyon ay isinawalat nuong ika-19 ng Pebrero na kinukunsidera nilang muling suriin ang patakaran na pangka-lahatang ipag-bawal sa pampublikong paaralan ng elementarya at junior high school ang pag-dala ng mobile phone sa mga paaralan.
Ang mobile devices ay itinu-turing na mga “bagay na hindi direktang kailangan para sa gawaing pang-paaralan.” Ito ay ipinag-tibay nang Ministeryo ng Edukasyon, Kultura, Palakasan, Aghan at Teknolohiya nuong taong 2009.
Isang kadahilanan nang pag-nais ng ministeryo na baguhin ang pananaw sa mga mobile device ay, ito ay maaaring magamit ng mga mag-aaral bilang device pang-komyunikasyon sa kanilang mga magulang kung sakaling magkaroon ng sakuna habang papasok ang mga mag-aaral sa kani-kanilang mga paaralan.
Iminumungkahi na pahintulutan ang mga mag-aaral na mag-dala ng mobile phone upang magamit nila kung makaranas muli ng malaking sakuna tulad nang naranasang malakas na lindol sa Prepektura ng Osaka, northern part ng western Japan nuong Hunyo ng 2018. Ito ay nangyari habang ang mga bata ay papunta sa kani-kanilang paaralan.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation