106 na dayuhang biyahero ang nag-laho matapos lumapag sa Japan sakay ng Cruise Ship nuong nakaraang taon.

Dahil sa mga pasaherong tumalon at pina-niniwalaang ilegal na naninirahan sa bansa, ang gobyerno ng Japan ay mag-hihigpit sa mga byaherong papunta sa Japan gamit ang cruising ship.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp106 na dayuhang biyahero ang nag-laho matapos lumapag sa Japan sakay ng Cruise Ship nuong nakaraang taon.

Ang Japan ay tumanggap ng talaan ng mga banyagang bisita nuong nakalipas na mga taon, ngunit hindi lahat ng ito ay dumating mula sa Narita, Haneda o sa mga pangunahing paliparan sa bansa. Bilang isang islang bansa, ang pag-biyahe gamit ang barko ay isang praktikal na option para sa pag-punta sa Japan. Malaking pasasalamat ng mga biyahero dahil niluwagan ng gobyerno ang regulasyon kung-kaya’t malaki ang nadagdag sa bilang ng mga bumabyaheng dayuhan na gumagamit ng cruise ship papuntang Japan.

Nung taong 2014, humigit-kumulang 410,000 dayuhang manlalakbay ang dumating sa Japan. Nuing taong 2018, ang bilang ay lumago ng 2.4 milyon. Ang sextupling ay higit sa kredito ng isang amendment sa Japan Immigration Act na nag-simula nuong ika-1 ng Enero taong 2015 na tinawag na Ship Tourism Landing Permit System.

Napapa-ilalim sa nasabing sistema ay, ang mga banyagang dumating ay dapat naka-sakay ng mga barkong aprubado ng Japan Immigration Bureau, na naka-booked din ng kanilang pag-balik sa kanilang pinang-galingan sa parehong barko, at mag-bibigay ng kanilang fingerprint pag-lapag sa bansa(gamit ang electronic scanner). Ang mga nabanggit ay maaaring mag-waive ng kanilang visa requirements, hindi na rin kina-kailangan na magpa-kuha ng litrato kapag dumaan sa immigration. Bagaman hindi ito malaking pag-babago sa mga dayuhang galing sa mga bansang tukad ng Estados Unidos, Canada, United Kingdom, Australia at Korea (mga citizen na maaaring mag-tagal ng 90 days sa Japan kahit walang visa.) , ang ship tourism landing permit ay ginawang madali para sa mga bansang Tsina at ilang mga bansa sa southeast asia ang pag-punta sa Japan. At ito ay humantong sa isang mabilis na pag-taas sa bilang ng mga cruise trip mula sa Tsina patungong timog-kanlurang isla ng Kyushu (ang pinaka-malapit na isla sa Tsina.)

Gayunpaman, sa pag-taas ng bilang ng mga bisita ay ang pag-taas sa bilang ng mga banyagang pasahero ng cruise na nawawala pagka-tapos lumapag sa Japan at sa wari ay namumuhay/nagta-trabaho ng ilegal sa bansa. Nuong 2018, mahigit 106 na dayuhang pasahero ng Cruise na lumapag sa Japan ang hindi na bumalik sa kanilang biyahe pauwi o naitalang umuwi sa kanilang bansa. Nitong 2018 lamang,  lumagpas ng 100 ang bilang ng mga nag-lahong biyahero. Ito ay dumoble ng 5 beses mula sa 21 kasong nuong 2015. At nitong 2018, ang Nagasaki Prefecture mismo ang entry point ng mahigit 20 overseas cruise traveler na nag-laho.

Habang 5 beses ang itinaas ng kaso mula 21 nuong 2015 hanggang 106 na pagka-wala ng biyahero nitong taong 2018 ay bahagyang mas mababa kaysa sa 6 na beses na pag-unlad sa mga dayuhang cruise visitors mula 2014 hanggang 2018. Na naka-bibigla dahil ito ay napapansin pa rin ng gobyerno ng Japan. Nuong Hulyo, tumangging i-renew ng ship tourism landing permit system ang usang cruising ship na paulit-ulit na nagkaroon ng nawawalang pasahero nuong ito ay bumabyahe sa Japan. Ito ang kauna-unahang na deny ang renewal ng isang barko.

Ang Bureau ay humihingi rin ng mas mataas na kasigasigan mula sa mga operator ng cruise sa mga pasaherong sumasakay at buma-biyahe upang maka-talon at mamuhay ng ilegal sa bansang patutunguhan. Magiging mahigpit na rin sa pag-screening sa mga listahan ng mga biyahero na maaaring ma-deny sa pag-pasok sa bansa ng mga pasaherong kahina-hinala na maaaring hindi na bumalik.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund