Update: Itinaas na sa korte ang kaso ng accidente sa jetski na nagsanhi sa pagkamatay ng isang Pilipina

Inihain na sa korte ng prefectural police sa Nagoya City ang kaso laban sa driver ng jetski na isang lalaki, 30 taong gulang na company employee noong Enero 8 sa kasong death/injury by negligence. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: News24.jp

Noong August ng nakaraang taon sa Nagaragawa ng Gifu City, isang lalaki at isang babae ang nakasakay sa salbabida na hilahila ng isang jetski ang sumalpok sa isang wave block ng ilog ang nagsanhi sa pagkamatay ng babae at lubhang nasugatan naman ang lalaki.

Inihain na sa korte ng prefectural police sa Nagoya City ang kaso laban sa driver ng jetski na isang lalaki, 30 taong gulang na company employee noong Enero 8 sa kasong death/injury by negligence.

Ang mga namatay na biktima ay isang Pilipina, 33 taong gulang nang panahong iyon at malubhang nasugatan naman ang isang lalaki, 29 taong gulang at company employe na taga Osaka fu Ikeda shi.

Ayon sa imbestigasyon ng Gifu Kitasho, nakakabit ang salbabida sa jetski sa pamamagitan ng 12 meters na lubid at hilahila ito ng jetski. Nangyari ang aksidente noong lumiko ang jetski na hindi tantyado ang distansya ng lubig at wave block kaya sumalpok ang mga biktima sa block na ito.

Inamin naman ng suspect ang pagkakamali niya. Iniimbestigahan din ang kakulangan ng safety inspection ng makina ng jetski base sa mga inspection sa sticker na naka-dikit dito kung may violation sa ship safety law.

Source: News24.jp

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund