Seven Bank mag-lalagay ng mga Face Recognition System sa kanilang mga ATM para sa mga nais mag-bukas ng account on the spot.

Bagong ATM units ng Seven Banks lalagyan ng Face Recognition System upang mapa-dali ang pag-bubukas ng bank account ng mga consumers.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspSeven Bank mag-lalagay ng mga Face Recognition System sa kanilang mga ATM para sa mga nais mag-bukas ng account on the spot.

Sa Tokyo- Kakabitan ng Seven Bank ng mga Face Recognition System ang kanilang mga Automated Teller Machines, posible ngayong tag-lagas. Ito ay upang makapag-bukas ng account ang mga users on the spot, base sa isang source na may kinalaman sa naturang usapin.

Ang bagong uri ng ATM na ino-operate ng Seven & I Holdings Co, ay maaaring mag-kumpirma ng identity ng user na nais mag-bukas ng personal na account sa loob lamang ng ilang minuto, sa pamamagitan ng pag-scan ng kanilang photo I.D at pag-kuha ng litrato mula sa naka-install na high-precision camera.

Sa kasalukuyan, kina-kailangang mag-padala o mag-sumite ng kopya ng kanilang identification card tulad ng driver’s license ng taong nais mag-bukas ng account.

Kinukunsidera rin ng Seven Bank na ialok ang kanilang serbisyo sa pag-bukas ng account sa iba pang online  at regional banks, sa pamamagitan ng kanilang mga bagong ATM units.

Sa kasalukuyan, ang Seven Bank ay mayroong 24,000 ATM units sa mga convenience stores at pampublikong pasilidad sa buong bansa. Ayon pa sa source, ilang libong units ng bagong ATM ang pina-planong i-install sa mga malalaking lungsod sa darating na tag-init.

Source: Japan Today

Image: Youtube

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund