Ayon sa Mjnistry of Health ng Japan, laganap ngayon sa bansa ang sakit na influenza. Tinatantiyang hindi bababa sa 2.1 milyon ang bilang ng pasyente.
Sinabi pa ng Ministry na ang average na bilang ng mga pasyente sa mahigit 5,000 medical facilities sa buong Japan ay 53.91, ito ay sa loob lamang ng isang linggo mula nuong Sunday.
Ito ay tumaas ng 15 sa loob ng isang linggo hanggang sa pangalawang mataas na bilang o pigura mula nuong nag-simulang lumikom ng datos ang Ministry mula pa nuong taong 1999.
Ang 3 prepekturang higit na apektado ng nasabing sakit ay Aichi, Saitama at Shizuoka.
Sinabi ng Ministry na ang N1H1 strain accounts ay tinatantiyang nasa 60 kaso. Ang nasabing uri ng sakit ay naging sanhi ng isang global outbreak ng isang bagong uri ng influenza isang dekada na ang naka-lipas.
Nag-babala naman ang Ministry na maaaring marami pa ang magkaroon ng sakit na influenza kung kaya’t hini-himok nito ang mga tao na mag-ingat at gumawa ng preventive measures tulad ng palaging pag-hugas mg kamay at pag-suot ng surgical mask.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation