Sumakabilang buhay na ang isang 113-taong-gulang na lalaking Japanese noong Linggo. Si Masazo Nonaka ay kinikilala ng Guinness World Records bilang pinakamatandang tao sa buong mundo noong Abril ng nakaraang taon.
Si Nonaka, isang residente ng hilagang isla ng Hokkaido ng Japan, ay isinilang noong Hulyo 1905.
Napansin ng pamilya ni Nonaka noong Linggo ng umaga na hindi na siya humihinga. Kinumpirma ng kanyang doktor na namatay si Nonaka. Sinabi ng pamilya na masigla pa siya noong Sabado.
Nagpapatakbo si Nonaka ng isang tradisyonal na Japanese hot spring inn sa Mount Meakan sa silangang Hokkaido sa loob ng maraming taon.
Mahilig siya sa panonood ng sumo sa TV, at kumain ng paborito niyang cake kasama ang kanyang pamilya sa kanyang kaarawan noong nakaraang taon.
Ang apo ni Nonaka, si Yuko, ay nagsabi na ang kanyang pamilya ay nakatira sa isang masayang bahay salamat sa kanyang lolo.
Sabi niya na namimiss niya na ang kanyang lolo ngunit wala siyang anumang pagsisisi dahil ginugol ang huling sandali ng lolo sa bahay at namatay ng mapayapa.
Source: NHK World
Join the Conversation