Ini-hayag ng Lungsod ng Kobe Prince Zoo (Nada Ward) na nitong ika-15 ng Enero, ang pinaka-matandang Chimpanzee ng Japan na si “Johnny” ay pumanaw na. Ang Chimp ay tinatantiyang nasa 69 anyos na. Ayon sa zoo, ang pangkaraniwang haba o tinatagal ng buhay ng mga ito ay nasa 50 anyos lamang kaya’t nasasabing “hindi sila maka-paniwalang ganito kahaba ang buhay nito.”
Si Johnny ay ipinanganak sa Africa at nuong siya ay binisita duon nuong taong 1955 siya ay tinatantiyang nasa 5 taong gulang. Siya ay maaasahang pinuno ng kanyang pangkat. Mayroon siyang 5 asawa at 9 na anak. Ang pinaka-una niyang anak ay lumaki sa pamamagitan ng artificial breeding, si “Cherry” ay pumanaw na 5 taon na ang naka-lilipas sa edad na 51 anyos.
Dahil sa katandaan, si Johnny ay namama-lagi na sa isang kwarto 2 taon na ang nakaraan. Sinabi ng tagapag-alaga na unti-unti na rin nawalan ng gana sa pag-kain si Johnny bandang buwan ng Septyembre nuong nakaraang taon at sa kasamaang palad ito ay binawian na ng buhay nitong 15 lamang. Naiwan ni Johnny sa zoo ang kanyang 2 asawa at 4 na anak kung saan ang 2 ay babae.
Inalala ng mga opisyal ng zoo si “Johnny”. Ani pa ng tagapag-alaga nito , “si Johnny ay isang magiting na Chimpanzee” binantayan at nasubaybayan niya ang zoo sa loob ng 64 na taon.
Bilang pag-alala kay Johnny, ang zoo ay mag-lalagay ng flower bed sa observation aisle mula ika-17 nitong buwan.
Source and Image: Kobe Shimbun
Join the Conversation