MANILA. Inutos ng Philippine court ang pag-aresto sa Japanese pachinko billionaire na si Kazuo Okada, isang buwang matapos irekomenda ng Department of Justice ang pag file ng kaso laban sakanya sa tatlong counts ng fraud.
Ang DOJ ay nakakita ng probable cause para kasuhan si Okada ng three counts of swindling matapos siyang makatanggap “through mistake or fraud” ng 0$3.15 million na sweldo at consultancy fees sa loob ng kanyang pamumuno bilang chief executive ng Manila casino operator na Tiger Resort.
Si Okada ay nag file din ng motion for reconsideration sa DOJ, at itinanggi ang mga akusasyon sa kanya na walang basehan.
Si Judge Rolando How ng Paranaque City Regional Trial Court Branch 257 ay nag utos sa National Bureau of Investigation at Philippine National Police na dalhin si Okada sa korte. Ang warrant of arrest ay inissue noong biyernes at isinapubliko noong linggo.
Ang bail ay itinalaga sa halagang 348,000 Philippine pesos ($6,627) para sa tatlong kaso.
Sinabi ng Tiger Resort na ang mga bayad sa naturang payments ay ginawa ng former president at walang pahintulot galing sa board nito.
Si Reody Anthony Balisi, na legal counsel ni Okada sa Pilipinas ay hindi nagbigay ng pahayag sa Reuters’ tungkol sa arrest warrant.
Noong nakaraang taon, tinanggal si Okada bilang chairman ng Tiger Resort’s parent, ang Japanese gaming group na Universal Entertainment Corp, natapos akusahan ng Universal board sa maling paggastos ng $20 million. Pinabulaanan niya ang mga akusasyon laban sa kanya.
Hindi pa malinaw kung nasa Pilipinas si Okada noong inissue ng korte ang arrest warrant.
Inaresto siya sa Hong Kong noong August sa koneksyon sa multiple corruption-related charges at siya ay kasalukuyang naka bail.
Source: Japan Today
Join the Conversation