Nag-lalakihang Sand Sculptures naka-display sa Chiba Park

Halina at ating silayan ang mga nag-lalakihang sand art sa Tateyama Family Park sa Prepektura ng Chiba.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Sand Sculpture “Pegasus” na likha ni Toshihiko Hosaka.

2 malaking sand sculpture ang naka-display sa isang parke sa Lungsod ng Tateyama sa Southeast ng Tokyo.

Ang artist na si Toshihiko Hosaka ang gumawa ng mga nasabing sand sculptures na kanyang pinangalanang “Dragon” at “Pegasus”. Nuong taong 2017, si Hosaka ay nanalo sa isang international competition ng sand art sa Taiwan.

Kumailangan ng mahigit sa 60 na toneladang buhangin ang upang mabuo ang 3 metro ka taas at 5 metro ka-lapad na iskulptura sa Tateyama Family Park sa prepektura ng Chiba.

Obra ni Toshihiko Hosaka, ang “Dragon”

Inis-spray-an  ang mga iskulptura ng isang fixing agent upang maprotektahan ito sa ulan at lakas ng hangin.

“Ito ang kauna-unahan beses ko na maka-kita ng iskulptura na ganito kalaki at hindi ko maisip na ito ay gawa lamang sa buhangin! “, ani ng 60 gulang na lalaki mula sa Tokyo.

Sinabi ni Hosaka na ang kagandahan sa sand art ay, madaling maka-kuha at natural ang mga materyales na ginagamit rito. Sinabi niya rin na gusto niyang supresahin ang mga namamasyal sa lugar kung -kaya’t ganun kalaki ang kanyang mga ginagawa.

Source and Image: NHK World Japan


 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund