Mga turista sa Hokkaido, na-stranded dahil sa malakas na snow

Ang patuloy na pagkagambala ng air traffic na dulot ng mabigat na pag ulan ng snow ang nagpilit sa mahigit 40 na manlalakbay na magpalipas ng isang gabi sa New Chitose Airport sa Hokkaido noong Linggo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ang mga natirang pasahero na nagpalipas ng gabi sa loob ng New Chitose Airport sa Hokkaido lobby ng airport. Image: Kyodo

Ang patuloy na pagkagambala ng air traffic na dulot ng mabigat na pag ulan ng snow ang nagpilit sa mahigit 40 na manlalakbay na magpalipas ng isang gabi sa New Chitose Airport sa Hokkaido noong Linggo.

Ang pagkagambala ay nagsimula noong Sabado kung kailan nakansela ang 105 na mga flight at halos 2,000 katao ang nagpalipas ng gabi sa airport malapit sa Sapporo sa hilagang Japan.

Noong Linggo, 17 na mga flight ang nakansela at may 260 na flight ang naantala. Maraming mga biyahero ang umaasa na ma-ressume ang flight para sa mga na-stranded sa airport.

Ngunit sa katapusan ng araw ay may natirang 40 katao na kinakailangan pa din magpalipas ng gabi sa airport at binigyan sila ng mga kumot ng operator ng paliparan.

Sinabi ng mga Airlines na ang lahat ng mga flight sa Tokyo, Osaka at Nagoya ay halos ganap na naka-book para sa Lunes. Kinansela ang ilang mga flight sa loob ng Hokkaido.

Hinihikayat ang mga pasahero na i-check palagu ang mga ang pinakahuling impormasyon ng weather, at maglaan ng mas maraming oras para sa pag-check in.

Sinasabi nila na ang sitwasyon ay malamang na bumalik sa normal ngayong Martes.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund